Gobyerno, nais padaliin ang panuntunan sapag-pasa ng mga dokumento

Ito ay upang mabawasan ang pag-dagsa ng tao sa mga government offices at mabawasan ang tyansang pag-kalat ng virus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nakiki-usap ang Internal Affairs Ministry ng Japan sa mga munisipalidad na paluwagin o pdaliin ang mga requirements na ipinapasa ng mga residente upang maiwasan ang pagka-hawa o pagkalat ng coronavirus sa mga government offices.

Sa panahong ito ng taon, ang mga municipal government offices ay laging matao dahil sa mga mamamayang nais mag pasa ng notice of change of residence dahil sa pag-lipat ng trabaho o enrollment sa eskwela.

Ang mga residenteng walang government-issued ID na tinatawag na “My Number” card, ay kinakailangang mag-punta sa munisipyo upang mag-pasa ng Notice of Moving-Out.

Ngunit nag-sabi ang ministeryo sa mga munisipyo na tumanggap ng nasabing application sa pamamagitan ng koreo. Ito ay upang mabawasan ang pag-dagsa ng tao sa mga government offices at mabawasan ang tyansang pag-kalat ng virus.

Hindi pa rin babaguhin ang requirements para dito dahil kailangan pa rin ng ministeryo na makumpirma ang pagkaka-kilanlan ng taong nag-pasa ng dokumento para sa pag-lipat ng tahanan.

Ngunit pinaki-usapan ng ministeryo ang mga municipal government na tanggapin ang mga dokumento at application kahit na lagpas na ito sa itinalagang araw na 14 days.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund