Bullet train operator, tinamaan ng husto sanhi ng coronavirus

Ang operator ng Tokaido Shinkansen line ng Japan ay nag-sabi na malaki ang ibinagsak ng bilang ng pasaherong gumagamit ng kanilang serbisyo dahil sa pag-laganap ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang operator ng Tokaido Shinkansen line ng Japan ay nag-sabi na malaki ang ibinagsak ng bilang ng pasaherong gumagamit ng kanilang serbisyo dahil sa pag-laganap ng coronavirus.

Ang Central Japan Railway Company ay nag-sabi na ang kanilang kalkulasyon ay base sa bilang ng pasahero sa pagitan ng ika-1 hanggang ika-9 ng Marso. Bumagsak din umano ng 8% ang bilang para buwan ng Pebrero mula sa parehong buwan nuong nakaraang taon, dagdag pa ng kumpanya.

Sinabi ng mga operator na kaunti ang mga byahero dahil sa pag-laganap ng coronavirus na naging dahilan kung bakit pansamantalang isinara ang mga recreational facilities, mga ikinanselang events at sa kalukuyan maraming tao ang nag tatrabaho ngayon mula sa kanilang tahanan.

Ang presidente ng Central Japan Railway na si Shin Kaneko ay nag-sabi na hindi niya inaasahan ang malubhang pag-bagsak ng bilang ngayong Marso, at ang sitwasyon ngayon ay lalong lumalala.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund