AMAGASAKI, Hyogo- sinabi ng mga pulis ng Amagasaki, Hyogo Prefecture na inaresto nila ang isang 44 anyos na lalaking walang trabaho sa hinalang pag-patay nito sa isang 70 anyos na lalaki sa pamamagitan ng pag-palo ng isang maliit na concrete block nuong nakaraang linggo hanggang sa ang huli ay mabawian ng buhay.
Ayon sa mga pulis, inatake ng lalaki si Shuji Yoshida, operator ng isang kumpanya na nag-bibigay ng caregiving services, sa south exit ng Amagasaki Station bandang ala-11:05 ng umaga nuong Martes, mula sa ulat ng Fuji TV. Sinabi nang isang saksi na ang dalawang lalaki ay nag-tatalo bago pa hampasin ng paulit-ulit sa mukha at ulo nung lalaki si Yoshida gamit ang isang concrete block. Agad tumakbo sa hilagang bahagi ng istasyon ang suspek matapos ang insidente.
Agad na idinala sa ospital si Yoshida kung saan ito binawian ng buhay isang oras mula nang siya ay dumating.
Hindi pinangalanan ng pulis ang suspek, dahil sa ito ay isang psychiatrict patient na tumatanggap ng alaga mula sa kumpanya ni Yoshida. Ang suspek ay nakilala matapos suriin ng mga pulis ang surveillance camera footage.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation