Ang manufacturer ng alcohol antiseptic solutions sa Tsina ay hindi makapag-dagdag ng kanilang produksyon upang matugunan ang hinihingin bilang dahil sa kakulangan ng mga mang-gagawa.
Ang Japanese sanitation product manufacturer na Saraya na may sangay sa Shanghai ay nakatanggap ng tatlo hanggang limang karagdagang bilang ng order kumpara sa ordinaryong bilang ng order mula nuong nagka-outbreak ng bagong coronavirus.
Japanese sanitation product manufacturer Saraya’s branch in Shanghai has received three to five times the usual number of orders since the outbreak of the new coronavirus.
Sa kasalukuyan, ayon sa kumpanya halos 1/3 lamang ng manggagawa ang pumapasok sa factory na nag-shishipped ng mga alcohol antiseptic products sa Chinese market.
Dagdag pa nito na karamihan sa kanilang mga manggagawa ay hindi pa naka-babalik mula sa kanilang bakasyon nuong Lunar New Year holiday dahil sa travel bans, at mahirap maka-kuha ng mga pansamantalang manggagawa.
Ang mga manggagawa sa factory ngayon ay nagtatrabaho ng walang holiday o day-off mula pa nuong Enero, ngunit nakakayanang mag-operate kahit 1 linya lamang mula sa 5 linyang produksyon.
Ang pagka-antala ng produksyon ay sanhi rin ng pagka-antala sa delivery ng mga containers at labels.
Ang presidente ng Saraya Shanghai Biotech na si Takafumi Inazu ay nag-sabi na, ang factory ay kasalukuyang nag-ooperate ng iniestimang 30 hanggang 40 porsyento mula sa tutoong kapasidad nito. Sinabi niya rin inaasahang maibabalik sa normal ang operasyon ng kumpanya bandang huling termino ng Pebrero hanggang unang termino ng Marso.
Marami rin na iba pang mga sangay ng Japanese companies sa Shanghai ang nahihirapang ibalik sa normal ang kanilang operasyon, dahil ang kanilang mga manggagawa ay pwersahang hindi pinalalabas mula sa kanilang tahanan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation