Sinabi ng Japan Foreign Ministry na may isang hapon na lalaki na nasa 60’s na edad na pinaghihinalaang nagkaroon ng bagong coronavirus ay pumanaw dahil pneumonia nuong Sabado sa lungsod ng Wuhan sa Tsina kung saan nagmula ang virus.
Ayon sa mga opisyal ng ministeryo, ang lalaki ay nilagnat nuong ika-16 ng Enero. Siya ay na-confined sa ospital, kung saan siya ay nadiagnosed ng pneumonia.
Ang pangunahing pag-susuri na isinagawa nuong ika-28 ng Enero ay naging positibo sa coronavirus, ngunit ang resulta ay hindi pa nakumpirma nuong panahon na pumanaw ang lalaki.
Ayon sa ospital na gumamot sa matanda, ang sanhi ng pagka-matay nito ay dahil sa “viral pneumonia” ngunit hindi naka-sisiguro ang mga opisyal kung ito ay sanhi ng bagong coronavirus.
Ang lalaki ay ang kauna-unahang hapon na pinaghihinalaang namatay dahil sa pagkakaroon ng virus.
Nagpahayag ang gobyerno ng Japan na makikipag-ugnayan sila sa pamilya ng lalaki sa pamamagitan ng embahada sa Tsina upang mag-padala ng suporta at tulong.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation