Share
Ang komite sa 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games ay naglunsad ng isang task force upang tumugon sa pagkalat ng bagong coronavirus.
Napag-alaman ng NHK na ang task force ay nabuo na noong Huwebes at pinamumunuan ni director Toshiro Muto.
Inaasahan na tatalakayin ng mga miyembro nito ang mga hakbang sa pag-iwas sa mga-iba pang organisasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga manonood at iba pa.
Plano nilang ipatupad ang mga naturang hakbang para sa torch relay na magsisimula sa Marso, mga test events at Olympic and Paralympic games ngayong tag-init.
Sa China, ang pagsiklab ay humantong sa pagpapaliban sa mga internasyonal na kaganapan sa palakasan kasama ang soccer, table tennis at para-athletics.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation