Isang hotline ang binuksan para sa mga turista na nag-aalala tungkol sa virus

Plano ng gobyerno na maglagay ng mga brochure tungkol sa hotline sa mga lugar ng turista, mga convenience store at mga botika upang maikalat ang tamang impormasyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang hotline ang binuksan para sa mga turista na nag-aalala tungkol sa virus

Ang pamahalaan ng Japan ay hinihimok ang mga turista na sa palagay nila ay maaaring magkaroon ng bagong coronavirus upang makapag konsulta sa doktor sa lalong madaling panahon.

Ang mga bisita na hindi sigurado kung saan pupunta para sa tulong medikal ay maaaring malaman sa pamamagitan ng isang libre, 24 na oras na hotline. Maaaring makuha ng mga tumatawag ang mga detalye ng pinakamalapit na klinika at ospital sa Ingles, Tsino at Koreano.

Plano ng gobyerno na maglagay ng mga brochure tungkol sa hotline sa mga lugar ng turista, mga convenience store at mga botika. Ito ay bahagi ng isang kampanya upang maikalat ang mas tamang impormasyon tungkol sa kung paano maiiwasan na hindi mahawahan.

Ang numero na local para sa Japan ay 050-3816-2787. Ang mga tao sa ibang bansa ay maaaring tumawag naman sa + 81-50-3816-2787.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund