Isang matandang lalaki sinaksak ang asawa at ang sarili

Isang lalaki sinaksak ang kanyang sarili matapos rin saksakin ang kanyang asawa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI
Isang 79-taong-gulang na lalaki ang sinaksak ang kanyang asawa at pagkatapos ay ang kanyang namang sarili sa kanilang tahanan sa Tokai, Aichi Prefecture, nitong Martes ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Tinawagan ng lalaki ang kanyang panganay na anak bandang 7:05 a.m. at sinabi na sinaksak niya ang kanyang asawa at pati na mismo ang kanyang sarili, iniulat ng Sankei Shimbun.

Ang anak na lalaki ay tumawag sa 110.
Nang dumating ang mga pulis sa apartment, nahanap nila ang lalaki at ang kanyang asawa na parehong duguan dahil sa mga saksak na sugat. Dinala sila sa ospital kung saan nananatili silang walang malay. Ang isang kutsilyo na may na dugo ay natagpuan sa loob ng apartment.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund