TOKYO (TR) – patay ang isang may edad na ginang na gumagamit ng baston nang nasagasaan ng tren matapos siyang mahulig sa riles sa Katsushika Ward nuong Martes, ayon sa pulis, mula sa ulat ng NHK (Oct.1)
Bamdang alas-10:30 ng umaga, isang local Keisei Oshiage Line train ang naka-bangga kay Kiyoko Akiya, 66 taong gulang sa Tateishi Station matapos nitong mahulog sa platform.
Ayon sa Katsushika Police Station, ang driver ng tren ay nag-preno umano matapos may pumindot ng emergency button nang may nahulog sa platform. Ngunit ang ginang na residente ng Arakawa Ward ay natamaan ng tren nang ito ay mag-tangkang tumayo.
Isang pag-susuri sa security camera footage ang isinagawa at dito ay ipinakita ang ginang na certified visually impaired o sertipikadong hindi nakaka-kita na dumaan sa ticket gate sa istasyon.
Ang operator ng tren na Keisei Electric Railway Co., ang nag-sabi na ang istasyon ay walang barricade na nag-hihiwalay ng track area sa platform
Ayon sa Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism, ang bilang ng istasyon na may barricade sa buong bansa ay nasa 783 o nasa 8 porsyenti lamang ng total na bilang.
Source: Tokyo Reporter
Image: NHK
Join the Conversation