Hinuli ang mag-asawa matapos matagpuang patay ang 3 taong gulang na anak

Dahil lubog umano sa pagkaka-utang, 3 taong gulang na anak sinakal ng tatay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa mga pulis, ang tatay ma si Kazuhiro Hayama (51), na nag-tatrabaho bilang security guard ang tumawag sa 110 bandang alas-3:00 ng madaling araw at nag-sabi na sinakal niya ang kanyang anak na babae, ayon sa ulat ng Fuji T.V.  Agad naman rumesponde sa lugar ang mga pulis at duon nila natagpuan ang walay buhay na katawan ng bata na kinilalang si Yui Hayama.

Inaresto rin ng mga pulis ang nanay ni Yui na si Yuuko. Sinabi ng pulis na hinawakan nito ang paa ng anak habang sinasakal ito ng kanyang ama nuong madaling araw ng Martes. Sinabi ng mga pulis na sinabi ng mag-asawa na pagkatapos nilang patayin ang kanilang anak ay kikitilin na rin nila ang kanilang buhay, dahil sila ay nalulubog sa utang. Ngunit hindi nila makuhang tapusin ang sariling buhay.

Ayon sa mga pulis, ang pamilya ay naninirahan sa Kimitsu, Chiba Prefecture. Ang bahay kung saan pinatau ang bata ay pagmamay-ari ng magulang ni Hayama at ito ay palaging bakante.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund