Isang lalaki sa Kanagawa, ginulpi ang kaibigan hanggang sa mawalan ng malay

Dahil sa hindi gusto ang inasal, isang lalaki ginulpi ang kainuman hanggang sa ito ay mawalan ng malay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA (TR) –nuong nakaraang linggo, inareato ng Kanagawa Prefectural Police ang isang 27 anyos na lalaki dahil sa pag-asulto umano nito sa kakilalang lalaki sa Hadano City.

Nuong umaga nang October 2, si Hiroya Shishikura, isang part-time na trabahador sa isang industriya ng konstruksyon ang gumulpi umano sa kanyang kakilala 23 anyos sa isang kalye matapos nilang mag-inom, ulat ng TBS News (Oct. 2).

Ang kakilala ng suspek ay nananatiling walang malay sa ospital, ayon sa mga pulis.

Isang lalaki ang inasulto ang kanyang kakilalang lalaki sa Hadano City nuong Oct. 2 (Twitter)

Bago mangyari ang insidente, ang dalawa ay nagkaroon ng pagtatalo. “Siya ang nag-simula at gumanti lang ako.” sinabi ni Shishikura sa mga pulis.

Ang naturang pag-aresto kay Shishikura ay ikalawang beses na sa taong ito. Bandang ala-1:25 ng madaling araw nuong June 8, siya ay nanuntok umano ng imukha nang isang lalaking kaibigan isang kalsada sa parehong lunsod.

Bago pa ang insidente, ang 2 ay nag-inuman. “Hindi ko gusto ang inasal niya.” sinabi ni Shishikura sa mga pulis nang ito ay inaresto ukol sa suspisyon sa kaso ng pananakit nang sumunod na buwan.

Source: Tokyo Reporter

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund