Staff ng isang home for the aged sinaksak ng isang residente nito

2 staff ng home for the aged ang sinaksak ng isa nilang residente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspStaff ng isang home for the aged sinaksak ng isang residente nito

KUMAMOTO (TR) – dalawang staff member ng isang senior citizens’ home sa Koshi City ang sinaksak ng isang lalaking pasyente nuong linggo, sinabi ng pulis, ayon sa ulat ng TV Kumamoto (Sept. 29)

Bandang alas-11:30 ng umaga, si Kenichi Sawamura 86 anyos ay gumamit umano ng kutsilyo na may haba na 15 sentimetro upang gamiting panaksak sa 59 anyos na ginang sa kanyang likuran sa Mube no Sato. May isa pang lalaki na staff na nahiwa sa kamay matapos ambahan ng saksak ni Sawamura.

Sinabi ng pulis na ang dalawang biktima ay agad na naisugod sa pagamutan at idineklara na ligtas na sa panganib.

Itinanggi naman ni Sawamura ang mga paratang laban sa kanya. “Sinaksak ko siya pero wala akong intensyon na patayin siya.” Sinabi umano ng suspek sa mga pulis.

Ayon sa mga pulis, kinunsulta umano sila ni Sawamura tungkol sa isang money related problem nuong nakaraang buwan.

Kasalukuyang inaalam ng mga pulis ang motibio sa nasabing  krimem.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund