Mahigit 340,000 kabahayan sa prepektura ng Chiba malapit sa Tokyo ay wala pa ring kuryente, ilang araw makalipas ang pag-tama ng bagyong si Faxai rito. Sinabi ng Tokyo Electric Power Company na aabutin pa hanggang biyernes bago pa tuluyang maibalik ang kuryente sa buong prepektura.
Abala ang mga trabahador sa pag-palit ng mga kable ng natumbang mga poste ng kuryente,
Isang matandang ginang na tinatantiyang nasa 80 anyos ang isinugod sa ospital dahil sa hirap sa pag-hinga.
Ang mga tao rin ay nagkakaroon ng problema na maka-kuha ng phone signal, paliwanag ng alkalde ng Kimitsu City.
Sinabi ni Hiroko Ishii na ang pinsalang natamo ay maihahalintulad sa lindol. Sinabi pa nito na ang kanilang sitwwasyon ngayon ay napaka- kritikal para sa kanyang nasasakupan.
Ang patuloy na pag-init ng pahanon ay nakaka-apekto sa mga tao dahil hindi sila maka-gamit ng mga airconditioner at walang tubig.
Sa Chiba Prefecture ay may 2 nang namatay dahil sa heatstroke.
Ipinaliwanag ng mga opisyal ng TEPCO ang sitwasyon ng kuryente sa mga reporters. Sinabi ni Kazuyuki Shiokawa na “Inaasahan namin na maibalik ang kuryente sa prepektura ng Chiba pati na rin ang mga karatig lugar nito ngayong huwebes. Ngunit kailangan pa namin ng mga 2 araw para sa iba pang mga lugar kabilang ang mga lungsod ng Narita at Kisarazu.”
Ang mga tao ay pumipila upang naka-kuha ng tubig na maiinom. Isang residente ang nag-sabi na “Pagod na ako, gusto ko nang maligo.”
Kailangan ng mga karagdagang suporta sa ilang pang mga lugar.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation