Isang lasing na bumbero, inaakusahang nanuntok ng isang empleyado sa isang restaurant sa Chinatown

Sa sobrang kalasingan, isang bombero nanapak ng isang empleyado ng isang restaurant sa Chinatown sa Yokohama.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA (TR) – inaresto ng mga Kanagawa Prefectural Police ang 20 anyos na lalaking bombero dahil sa pag-asulto umano ng isang lalaking empleyado ng restaurant sa Chinatown ng Yokohama City, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (Sept. 23).

Bandang alas-10:00 ng gabi nuong linggo, si Koji Ishida, na naka-destino sa Tokyo ay pumasok sa isang restaurant at tumayo sa may pintuan. Isang 24 anyos na Chinese national na empleyado ng nasabing restaurant ang nag-tanong kung ano ang kanyang ginagawa, nang bigla siyang suntukin sa mukha at ulo ng suspek.

Si Ishida na humaharap sa kaaong asulto ay itinatanggi ang mga alegasyon sa kanya, “Hindi ako naging bayolente” sinabi ng suspek sa mga pulis sa Kagacho Police Station.

Isang lasing na bumbero ang nanuntok umano ng isang empleyado ng isang restaurant sa Chinatown nuong linggo. (Twitter)

Nang mga oras ng insidente, si Ishida ay intoxicated. Matapos ang pananakit ng huli, agad namang tumawag ng pulis ang biktima.

“Matapos makumpirma ang detalye ng insidente, ito ay rarapatan ng nauukol na parusa.” sinabi ni Kiyomi Hasegawa, representative ng public relations division ng Tokyo Fire Department.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund