Isang lalaki ang nakuhaan ng video na naka-takas nang hulihin ng pulis

Lalaking nakatakas mula sa pagkaka-huli ng pulis, arestado na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang lalaki ang nakuhaan ng video na naka-takas nang hulihin ng pulis

NIIGATA (TR) – isang lalaki na nakuhaan ng video habang tumatakas mula sa pagkaka-huli ng isang pulis sa lungsod ng Niigata nitong lunes ay naaresto nuong sumunod na araw, ayon sa mga pulis, ang balitang ito ay mula sa ulat ng TBS News (Sept. 24).

Kinasuhan ng mga awtoridad si Yoshinori Tanahashi, 36 anyos at isang businessman dahil sa pagsagabal nito sa mga trabaho ng isang public servant.

Makikita sa video ang suspek na naka-suot lamang ng t-shirt, shorts at tsinelas ay nakikipag buno sa isang police officer sa tabing kalsada sa Chuo Ward bandang alas-2:30 ng hapon nitong Lunes. Nang maka-wala ang suspek mula sa pulis, ito ay agad na tumabo at pumasok sa kanyang puting sasakyan at saka tumakas.

Nang ito ay tumatakas, minaneho niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada upang iwasan ang pulis, ngunit ito ay naka-bangga ng bisikletang naka-parada. Ito ay kumanan at sinalubong ang traffic bago ito tuluyang maglaho.

Bago pa ang insidente, tinatanong ng pulis si Tanahashi na amoy alak, sa suspetsang pag-labag nito sa Road Traffic Act.

Matapos ang pag-aresto sa kanya, si Tanahashi ay umamin sa mga paratang laban sa kanya. Nagkaroon ng pinsala sa kamay ang pulis.

Source: Tokyo Reporter

Photo: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund