Isang babae ang arestado matapos tutukan ng kutsilyo ang isang pulis sa loob ng police box

Ginang na nais makulong arestado, matapos tutukan ng kitsilyo ang isang pulis sa loob ng koban sa Sendai.

Image from Photo Bank

 

 

Ayon sa pulis, ang insidente ay nangyari bandang alas- 5:25 ng hapon nitong Sabado lamang sa isang Police Box sa Aoba Ward,mula sa ulat ng Fuji TV. Sinabi ng pulis nang pumasok ang babae na kinilalang si Maki Aizawa, may dala itong kutsilyo na naka-balot sa tuwalya. Siya ay agad na nahawakan ng pulis at wala namang napinsala sa nasabing insidente.

Sinabi rin ng pulis na may sinasabi ang ginang habang ito ay papalapit sa kanya at narinig niyang nais nitong maaresto.

Source: Japan Today

Image: Photo Bank