Pinakatay ng mga opisyal sa prepektura ng Saitama, malapit sa Tokyo ang mahigit 800 baboy sa isang babuyan matapos nilang ma-detect na ito ay infected ng Swine Fever.
Sinimulang ipakatay ang mga baboy sa isang babuyan sa Chichibu City nitong Biyernes matapos ma-detect nuong umaga na ito ay may virus.
Mahigit 150 katao ang kasali sa trabaho na umabot hanggang Linggo ng umaga.
Sinabi ng mga opisyal ng prepektura na ililibing nila ang mga baboy at ide-decontaminate nila ang buong hog farm upang hindi kumalat ang virus. Inaasahan nilang matapos ang trabaho nitong Lunes.
Sinabi rin ng mga opisyal na idi-disinfect nila ang mga sasakyang palabas pasok sa farm sa lugar hanggang 10 km hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Oktubre.
Sila ay mag-sasagawa ng on-site inspection kung mayroong mga irregularities rito tulad na lamang ng pagka- matay ng mga alagang baboy.
Nakumpirma ang Swine Fever nuong atong 2018 sa Gifu Prefecture. Ito ay kauna-unahang pagkakataon sa bansa makalipas ang 26 taon.
Ito ang unang kaso sa rehiyon bandang Tokyo, kung saan naninirahan ang halos kalahati ng mga baboy sa bansa.
Ini-imbestigahan na ng mga opisyal ng Saitama Prefecture kung saan nag-mula ang impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation