NAGOYA- 7 katao ang nag-tamo ng pinsala nuong sabado matapos araruhin ng isang taxi ma minamaneho ng isang 75 anyos na lalaki ang mga taong nanunuod ng isang street music performace sa gilid ng kalsada sa Nagoya, Aichi Prefecture, ayon sa ulat ng mga pulis.
Apat na lalaki na nag-eedad ng 20 hanggang 60 anyos at tatlong babae naman na nasa 20 hanggang 30 anyos ang nag-tamo ng pinsala mula sa insidente. Nangyari ito bandang alas-9:25 ng gabi malapit sa Kanayama Station.
Ang sasakyan ay sumampa sa sidewalk at nabangga ang nga taong naka-tambay sa station square na nuo’y kasalukuyang nanduroon upang manuod ng music performance, ayon sa mga pulis at ilang mga witnesses.
Ayon pa sa isang testigo, habang tinutulungan ng mga tao ang mga nabundol ng taxi, ito ay biglang umatras at muling naka-bangga ng ilang pang mga katao.
Agad namang inaresto ang taxi driver na si Katsuhiro Komori, at sinabi nito sa mga pulis na wala siyang maalala sa mga nangyari.
Isang katrabaho ni Komori ang nag-sabi na kailanman hindi pa niya nababalitaang naka-aksidente ang beteranong driver at hindi pa ito nagkakaroon ng problema sa kanilang kompaniya.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation