Sinabi ng mga opisyal ng Japan’s Fire Agency na mahigit 18,000 katao sa buong bansa ang dinala sa mga pagamutan dahil sa heat stroke nitong nakaraang linggo sanhi ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa.
Ayon sa report ng Fire and Disaster Management Agency na umabot ng 18, 347 katao ang dumanas ng heatstroke mula July 29 hanggang August 4. Ito ay mas madami ng tatlong beses kumpara nuong nakalipas na linggo
Sinabi rin ng mga opisyal ng ahensya na 57 katao na ang namatay at mahigit 729 naman ang nasa malubhang kalagayan at kinakailangang manatili ng matagal sa ospital. Sinabi nila na ang 6,548 na pasyente ay hindi naman malubha at kinakailangan lamang na matignan sa ospital. At ang 10,791 ay ginamot dahil sa mild symptoms ng heat stroke lamang.
Ayon sa mga opisyal umabot ng 1,857 katao ang sumama ang pakiramdam sa Tokyo, 1,342 naman sa Aichi, Central Japan, at 1,210 naman sa Osaka, Western Japan
Sinabi rin nila na halos 9,964 kataong sumama ang pakiramdam ay nag-eedad na 65 anyos pataas.
Lumagpas ng mahigit 35 degrees celcius ang temperatura sa ipang bahagi ng bansa nuong nakaraang linggo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation