YOKOHAMA, Japan (AP) – Ang kultura ng cute o kawaii sa Japan ay hindi palalagpasin kahit na pagdating sa poop o tae. Ito ang bagong pop twist sa Unko Museum sa Yokohama na malapit sa Tokyo.
Dito, ang mga naka display na poop ay artipisyal, syempre. Marami silang mga pakulo tulad ng toilet fun area, poop twirl ice cream at poop shaped cupcake sa lahat ng mga kulay at laki.
“Ang mga poops ay makulay at instagram worthy,” sabi ni Haruka Okubo, isang mag-aaral na bumisita sa bahagi ng museo na naglalayong makakuha ng mga cute na selfie.
Sa bansang Hapon, maraming mga maliliit na erasers na may hugis ng tae at iba pang mga goods, naging popular ito sa mga bata bilang collectibles pati na din ang mga matatanda. Hindi tulad sa ibang lugar, sa Japan, ang pagtatae o pag-utot ay open na pinaguusapan at tinatalakay dahil ito ay isang normal na bodily function. Noong nakaraan lamang ay natampok sa pampublikong tagapagbalita sa radyo na NHK ang mga tip kung paano ang pag manage ng pag-utot.
Ang mga bisita sa museo ay makakapanood ng maikling pambungad na video at pagkatapos ay hinihiling sa mga bisita na umupo sa mga makulay na inodoro.
Nagpe-play ang musika na isang user na nagpapanggap ng tae, pagkatapos ay isang makulay na souvenir na “tae” ang maaaring makolekta mula sa loob ng mangkok ng banyo, na dadalhin sa bahay pagkatapos mamasyal.
Sa isa pang silid, gumamit ang mga manlalaro ng isang projection-mapping game tulad ng “whack-a-mole” upang tatakan at i-squash ang pinakamaraming poops na matatamaan nila. Sa isa pang laro, ang mga kalahok ay nakikipagkumpitensya upang makagawa ng pinakamalaking “tae” sa pamamagitan ng pagsisigaw sa wikang Hapon ng, “unko,” nang malakas para lumaki ang poop.
Ang isang soccer video game naman ay gamit ang controller para “sipain” ang isang tae papunta sa goal.
Ang museo ay may higit sa 100,000 na bisita sa unang buwan pagkatapos ng pagbubukas nito noong Marso. Ito ay mananatiling bukas hanggang Setyembre.
Source: The Mainichi
Join the Conversation