Dinala ang mga usa mula sa kakahuyan para sa seremonya ng ritwal sa isang parke ng Nara ng Japan.
Ang pagtawag sa usa ay ginaganap taon taon tuwing tag-araw at taglamig sa Nara Park. Ang ligaw na usa ay itinalaga ng gobyerno bilang isang protektadong uri.
Ang tag-araw ay nagsimula noong Linggo ng umaga kapag ang isang miyembro ng isang lokal na pundasyon na pumoprotekta sa mga hayop ay umihip ng isang seremonyal na sungay.
Lumabas isa-isa na umabot sa bilang ng 70 usa mula sa gubat sa mga tunog ng Beethoven’s Pastoral Symphony.
Ang mga turista ay nanonod habang ang mga usa ay patungo sa pinanggagalingan ng tunog ng ihip na mula sa sungay.
Ang ilang mga tao ay kumuha ng litrato kasama ang mga hayop at pinakain ng mga espesyal na cracker.
Ang isang bisita mula sa Okayama Prefecture ay nagsabi na ngayon pa lang siya nakakita ng seremonya at nagulat sa bilang ng mas maraming usa kaysa sa kanyang inaasahan.
Ang mga pagtawag sa usa ay gaganapin tuwing Linggo mula 9:30 ng umaga hanggang Setyembre 22.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation