Mga espesyal na treats para sa mga Panda cub sa selebrasyon ng Star Festival

Ang isang zoo sa Central Japan na tirahan ng itinuring na giant panda cub ay binigyan ng mga espesyal na regalo upang markahan ang taunang Star Festival. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Adventure World

Ang isang zoo sa Central Japan na tirahan ng itinuring na giant panda cub ay binigyan ng mga espesyal na regalo upang markahan ang taunang Star Festival.

Ang 10-buwang gulang na babaeng panda, na si Saihin, ay naninirahan sa Adventure World sa Wakayama Prefecture. Noong Linggo, binigyan siya ng mga opisyal ng zoo ng mga snow figures na kumakatawan sa mga bituin na Vega at Altair, pati na rin ang mga sprigs ng kawayan na pinalamutian ng mga piraso ng carrot, ang kanyang paboritong pagkain.

Ayon sa isang Chinese folk story, si Vega at Altair ay mga star-crossed lover na itinadhana na magkikita ng isang beses lamang sa  isang taon, sa Hulyo 7. At ang araw na ito ay pinagdiriwang sa Star Festival.

Si Saihin ay linaro ang mga snow figures at kinain ang carrots.

Nang lumapit ang kanyang ina, ang batang cub ay yumakap sa kanya at uminom ng gatas.

Si Saihin ay may timbang na 75 grams noong siya ay ipinanganak, noong Agosto. Iyan ay medyo maliit para sa isang bagong panganak na panda. Sinabi ng mga opisyal ng Zoo na patuloy siyang lumalaki, at ngayon ay tumitimbang ng higit sa 22 kilo.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund