Share
BEPPU, Oita
Isang 44-taong-gulang na lalaki ang naaresto dahil sa attempted robbery sa isang bangko sa Beppu, Oita Prefecture.
Ayon sa pulisya, si Akira Kato, na nagtatrabaho bilang security guard, ay pumasok sa Ishigaki branch ng Oita Bank ng bandang 12:30 p.m. Martes, iniulat ng Sankei Shimbun. Binantaan niya ang teller na may kutsilyo siyang dala at humingi ng pera.
Gayunpaman, tumanggi ang teller at nag-trigger ng alarm button, kung saan si Kato ay tumakas mula sa bangko ng walang dala.
Humigit-kumulang 170 na pulis ang nag-hunting kay Kato at nahuki bandang 8 p.m. noong Martes.
© Japan Today
Join the Conversation