Ang pinakamalaking hanay ng mga restawran ng curry sa Japan ay nakikipagtulungan sa isang trading house upang buksan ang mga restawran sa Indya, kung saan ang curry ay numero unong paborito ng mga lokal.
Ang operator ng Curry House Coco Ichibanya ay nagsasabing ito ay isang pakikipagtulungan sa Mitsui & Co. upang buksan ang unang restaurant sa New Delhi sa Pebrero sa susunod na taon. Layunin nilang magkaroon ng mga 30 restaurant sa taong 2030.
Ang lasa ng curry ay magiging katulad ng sa Japan. Ang mga kakain ay maaaring ipasadya ang antas ng anghang at piliin ang kanilang mga toppings. Ang pan na tinapay at keso ay idaragdag sa menu para sa mga lokal na kostumer.
Ang presyo para sa isang regular na ulam ay nasa halagang 7 dolyar, mas mataas sa presyo kumpara sa isang lokal na restaurant.
Sinabi ng mga Japanese partners na malaki ang kanilang pag- asa sa business sa India dahil tumataas ang bilang ng mga pamilya sa middle class at lumalawak ang kanilang mg apanlasa sa pagkain.
Curry House Coco Ichibanya ay mayroon ng restaurant sa 10 bansa at mga rehiyon, kasma na dito ang China, South Korea and Thailand.
Source and Image : NHK World Japan
Join the Conversation