TOKYO (TR) –ang isang dayuhang turista ang sumasailalim sa pag-tatanong ng mga awtoridad ukol sa pagpapa-lipad umano nito ng drone sa itaas ng papular na “Scramble Crossing” sa Shibuya Ward nuong Linggo, sinabi ng pulis, ayon sa ulat ng Nippon News Network (nuong ika-7 ng Hulyo).
Bandang alas-11:00 pasado ng umaga, nakuhaan ng isang surveillance camera ang isang drone na lumilipad ng paikot-ikot sa pedestrian crossing, sa tapat ng JR Shibuya Station. Sa nakuhang footage, ang drone ay nalapit sa screen at mabilis na lumipad at nag-laho.
Sa ilalim ng Aviation Law, ang pagpapa-lipad ng ganung craft sa mataong lugar ay mahigpit na ipinag-babawal.
Ayon sa ilang mga naka-kita ng pangyayari, pinag-sususpetsahan ng mga pulis na ang nagpa-lipad ng drone ay isang lalaking banyaga na nag-eedad na 30 anyos pataas. Tinatanong na ng nga pulis na unang dumating sa lugar ng pinangyarihan ang nasabing dayuhan.
Nuong Mayo, binalaan rin ng mga pulis ang isa pang dayuhang turista dahil sa pagpapa-lipad ng drone sa nasabing lugar.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation