Ama ng bangkay ng estudyante sa refrigerator, patay na

Nawawalang ama ng teenager na pinatay at nilagay sa loob ng ref, natagpuan na nakabitin sa isang puno

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAma ng bangkay ng estudyante sa refrigerator, patay na

Ang ama ng 18 taong gulang na kolehiyala na natagpuan sa loob ng refrigerator sa isang tindahan na nagbebenta ng Japanese sweets sa Tokyo ay natagpuan na nakabitin sa isang puno makaraan ang ilang oras.

Nakuha ng pulisya ang bangkay ni Ibuki Kizu  mga 12:50 ng umaga ng Linggo sa refrigerator ng tindahan ng kanyang pamilya.

Nakita ng mga pulis ang isang peklat sa leeg ng biktima.

Ang 43-anyos na ama ng teenager ay biglang naglaho pagkatapos na sabihin sa kanyang pamilya noong Sabado ng gabi na pinatay niya ang kanyang anak na babae at papatayin din nya ang kanyang sarili.

Natagpuan ang ama ng pulisya na nakabitin mula sa isang puno sa isang ilog sa Saitama.

Naniniwala ang pulisya na nagpakamatay ang ama matapos patayin ang kanyang anak na babae at inilagay ang katawan sa loob ng refrigerator.

Nakatira ang pamilya malapit sa tindahan.

Ayon sa isang kapit- bahay na wala naman syang napansin na kahit na anong problema sa pamilya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund