Idinetena ng mga koreanong pulis ang 6 na kabataan sa kasong trespassing matapos nitong mag-protesta laban sa gobyerno ng Japan sa loob ng Konsulado ng Japan sa southeastern city ng Busan.
Sinabi ng pulis na ang 6 na katao ay pinaniniwalaang mga mag-aaral sa unibersidad. Binisita ng mga ito ang diplomatic mission nuong Lunes, at ginamit nito ang kanilang ID upang maka-pasok sa library.
Ani ng mga pulis mula library, ang mga ito ay naka-pasok sa yard at sinubukang mag-sabit ng banner na mayroong anti-Japanese slogan sa bakod ng gusali. Naka-sulat sa banner na inaakusahan nila ang administrasyon na pinamununuan ni Prime Minister na si Shinzo Abe sa pagna-nakaw ng pamumuno sa South Korea.
Idineta agad ng mga pulis ang 6 katao.
Ang mga protester ay sabay-sabay na nag-sagawa ng rally sa labas ng konsulado upang ikondena ang trade restriction na ginawa ng Japan sa South Korea.
Ini-imbestigahan na rin ng mga pulis ang isang lalaki na sumipa umano ng kotse ng pulis sa labas ng konsulado.
Nitong nakaraang linggo, isang koreanong lalaki na nasa edad na 70 anyos ang namatay matapos nitong silaban ang sariling sasakyan sa labas ng Embahada ng Japan sa Seoul. Sinabi umano nito sa isang kakilala na siya ay na-motivate ng anti-Japanese feelings.
Matapos ang insidente, sinabi ng kapulisan na gagawa sila ng hakbang upang mas higpitan ang seguridad ng mga Japanese Diplomatic facilities sa bansang Korea.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation