TOKYO
Ang Japan ngayon ay kasalukuyang nasa bubble tea boom, na may iba’t-ibang linya ng flavors at mga bagong bukas na store ng boba shops. Ang mga fans ng inumin na ito ay gumagawa din ng panda shaped pearl milk tea at sa kanilang mga bahay, kaya hindi rin kataka-taka na may mga naglalabasan na cute na concept ng bubble tea. Subalit ang isang nakakagulat na version ng bubble na sumulpot kamakailan ay ang tapioca beer, na napansin ng isang German beer fan na si Luka Reineke.
Kahit na joke lang ni Lucas Reineke ang post na ito, marami ang nagulat sa kombinasyon ng tapioca pearls at beer at dahil dito maramimg Japanese ang pumunta sa beer cafe chain na iBEER LE SUN PALM upang matikman ang misteryosong inumin na ito.
Ang inumin ay tinatawag na “Tapioca the Next, Tapioca Beer” ay inspired sa isang panaché cocktail, na mixture ng beer at citrusy soda. Ito ay available sa lasa na regular, strawberry, pineapple, at kiwi flavors.
Kung kayo ay nagke-crave ng fizz sa inyong tapioca, nago-offer din ang iBEER LE SUN PALM ng parehong flavor na walang alkohol o lalagyan ng milk.
Source: PR Times
Join the Conversation