Inaprubahan ng pamahalaan ng Japan ang mga hakbang upang tulungan ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhang manggagawa, kasama na ang pagtatayo ng one-stop administrative office sa Tokyo.
Ang mga kaugnay na mga ministro ng Gabinete ay nakipagkita upang talakayin ang mga naturang hakbang noong Martes.
Ang one-stop office, na naglalaman ng public placement job center at isang ahensiya ng Immigration Services Agency, ay bubuksan sa Shinjuku Ward ng Tokyo sa susunod na taon, simula ng Abril.
Napagpasiyahan din na mapatupad ang mga hakbang upang mapahusay ang konsentrasyon ng mga dayuhang manggagawa sa mga lunsod, kung saan ang mga sahod ay mataas, at pahihintulutan ang mga manggagawa ng mga rural na lugar na tumulong sa pagtugon sa mga kakulangan sa mangagawa ng rehiyon.
Ang mga local government at public job placement centers ay hinihikayat na maki-pagtulungan sa pagtulong sa mga dayuhang manggagawa na makahanap ng trabaho sa mga maliliit at midsize na kumpanya sa labas ng mga lunsod o bayan.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation