TOKYO
Ang Japan ay kasalukuyang gumagawa ng maraming hakbang sa pagbabawas ng mga single-use na plastic at ang pangunahing izakaya (Japanese pub) chain na Watami ay naghahanda sa isang malaking pagbabago upang sumunod sa iba pang mga kumpanya sa pagbawas ng plastic. Simula sa Huwebes, aalisin nila ang mga plastic straw mula sa kanilang imbentaryo at papalitan ng isang straw na gawa sa bamboo.
Gagamit sila ng Take Straw, na nangangahulugang “straw na gawa sa kawayan,” ang straw na ito ay gawa sa fiber ng kawayan. Ito ay magiging biodegradable sa loob ng ilang buwan at ligtas kahit aksidenteng makain ito.
Bagamat ang mga ito ay cute at magandang gawing backdrop na oarang pang samurai battle, ang mga bamboo groves ay mahirap alagaan at nagiging problema ito sa mga nagtatanim. Kapag na-maintain ito ng maayos ay lumalago ang mga bamboo ng maayos, ngunit kapag napabayaan ito, lumalaki ng mabilis ang mga bamboo at nagiging magulo ang paglaki nito na nagsasanhi ng problema sa ibang mga halaman.
Hindi lamang iyan, ang kanilang mababaw na mga ugat ay nakakagambala sa lupa, na nagsasanhi ng mga lanslides kapag nagkaka-lindol at malakas na pag-ulan.
Ito ay isang problema na tinutugunan ng Watami sa pamamagitan ng hindi pagsasaka ng kawayan na ginamit sa kanilang mga staw kundi sa pamamagitan ng pag-aani nito mula sa mga wild groves na tumutubo sa buong Japan. Malinaw na ang mga supply nito ay mas limitado, kaya ipamimigay lamang nila ito kung magre-request ang mga customer nila sa 68 na mga lokasyon ng Watami at Zawatami sa buong Japan.
Source: PR Times, Netlab
Join the Conversation