TOKYO
Ang pamahalaan ng Japan ay nagpahayag ng isang serye ng mga panukala noong Martes upang maiwasan ang mga aksidente sa sasakyan na dulot ng mga matatandang driver, kabilang ang mga emergency brake at mga vehicle-free zone nsa paligid ng mga paaralan, dahil sa mga sunod-sunod na aksidente na involve ang mga bata.
Isa sa apat na taong may edad na 80 o higit pa ang nagmamaneho ng kotse araw-araw, sinabi ng gobyerno sa isang survey na inilathala noonv Martes, isa sa maraming mga hamon na nahaharap sa mabilis na pagtanda ng Japan.
Ang Japan ay nababahala sa ilang mga trahedya at insidente na kinasasangkutan ng mga matatandang driver na nakabangga ng mga schoolchildren, na ang sanhi ng aksidente ay kadalasang nagkakamali ng pagtapak ng preno at ang natatapakan ay ang gas.
Noong Mayo, nabundol ng isang kotse ang isang grupo ng mga bata sa kindergarten sa western Japan, na nakapatay ng dalawang bata at nasaktan ang iba pa. Noong nakaraang buwan, isang sasakyan na minamaneho ng isang 87 taong gulang na lalaki ang nakapatay ng isang ina at ng kanyang tatlong taong gulang na anak na babae.
“Hindi tayo dapat mag-aksaya ng anumang oras sa pagtiyak na ang mga paglalakbay ng mga bata sa paaralan ay ligtas,” sabi ni Punong Ministro Shinzo Abe sa mga ministro ng cabinet pagkatapos na maaprubahan ang mga plano.
Isinasagawa ng Tokyo ang isang “inspeksyon sa kaligtasan ng emergency” ng mga ruta ng paglalakbay sa paaralan sa pagtatapos ng Setyembre at itaguyod ang paggamit ng mga kotse na may mga feature na emergency stop upang makahadlang sa aksidenteng pagkakamali ng pagtapak sa accelerator.
Isinasaalang-alang din ng National Policy Agency ang pagpapasok ng isang bagong kategorya ng lisensya sa pagmamaneho para sa mga matatanda, na nagpapahintulot lamang sa kanila na magmaneho ng sasakyan kung ito ay may emergency stop, idinagdag niya.
Ang mga detalye ng mga hakbang na ito ay lilitaw sa katapusan ng Marso ngunit ang mga opisyal ay nagsimulang magtrabaho sa mga patakaran na maaaring maisakatuparan kaagad.
© 2019 AFP
Join the Conversation