Hindi nag-brake ang naka-bangga, pahayag ng pulis ukol sa aksidente sa Fukuoka

Napag-alaman na hindi umapak sa brakes ang driver na nag-sanhi ng Multi-vehicular accident sa Fukuoka.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHindi nag-brake ang naka-bangga, pahayag ng pulis ukol sa aksidente sa Fukuoka

Sinabi ng mga pulis na ang 81 anyos na nag-sanhi ng multi-vehicle accident sa Fukuoka City, southwestern Japan, may posibilidad na rumagasa ito sa intersection ng hindi nag-brake.

Nabangga ni Yoshimasa Kojima ang ilang sasakyan nang ito ay rumagasa sa kabilang linya ng daanan patungong intersection nuong gabi ng Martes.

Si Kojima at ang kanyang 76 anyos na asawa ay binawian ng buhay habang 7 naman ang sugatan kabilang ang isang tumatawid lamang.

Ayon sa mga awtoridad, si Kojima ay bumangga sa 3 paparating na sasakyan sa kahabaan ng kalsada sa hindi hihigit na 600 metro bago rumagasa sa intersection. Ngunit walang marka sa semento ng kalsada na nakita bilang indikasyon na ito gumamit ng brake.

Ayon sa mga testigo na nakakita sa insidente, mukhang mas mabilis o naka apak sa selinyador si Kojima nang ito ay rumagasa sa intersection.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund