Ang pinaka-unang foreign student na naging intern ng Mie ay nais i-promote ang ninja prefecture

Binisita ng 20 taong gulang na estudyante ng Harvard University ang mga tourist attraction sa Central Japan kasama ang mga prefectural officials pati na rin ang mga estudyante sa high school at kolehiyo upang isipin kung paano dapat kumalat ang impormasyon upang ma-promote ang rehiyon sa mundo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspAng pinaka-unang foreign student na naging intern ng Mie ay nais i-promote ang ninja prefecture
Deni Hoxha, right, receives explanations of tricks used in ninja houses at the Ninja Museum of Igaryu, in the Mie Prefecture city of Iga, on June 1, 2019. (Mainichi/Teruko Kukita)

IGA, Mie – Binisita ng 20 taong gulang na estudyante ng Harvard University ang mga tourist attraction sa Central Japan kasama ang mga prefectural officials pati na rin ang mga estudyante sa high school at kolehiyo upang isipin kung paano dapat kumalat ang impormasyon upang ma-promote ang rehiyon sa mundo.

Si Deni Hoxha ay ang unang dayuhang estudyante na kumuha ng internship sa Mie Prefecture. Siya ay nag-aaral ng tourism promotion policy at iba pang mga subject habang nakabase sa  prefectural government building mula Mayo 22 hanggang Hunyo 7.

Noong Hunyo 1, si Hoxha ay nagsuot ng damit ng pang ninja at binisita ang Iga Ueno Castle at ang Ninja Museum ng Igaryu – parehong tourist spot na konektado sa ninja. Nakatanggap siya ng mga paliwanag sa mga ninja tricks sa pagtatago sa mga mansyon ng ninja at iba pang eksibit sa Ingles mula sa isang kawani sa museo. Nakita din niya ang mga tools ng ninja sa display at isang show performance ng ninja skill.

&nbspAng pinaka-unang foreign student na naging intern ng Mie ay nais i-promote ang ninja prefecture
Deni Hoxha experiences a hidden-door trick at the Ninja Museum of Igaryu, in the Mie Prefecture city of Iga, on June 1, 2019. (Mainichi/Teruko Kukita)

Ang Ninja ay isang kaakit-akit na tourism resource, ayon kay Hoxha. Ang mga atraksyon ng pang-turista ay handa upang tumanggap ng mas madami pang mga dayuhan, kasama ang mga pamamaraan kabilang ang pagbibigay ng mga paliwanag sa Ingles, sinabi niya. Naniniwala siya na ang mga pagsisikap sa hinaharap ay dapat pagtibayan upang mas lalong ma-promote ang lugar.

Noong Hunyo 2, binisita niya ang mga ruta ng pilgrimage ng Kumano Kodo sa timog ng Mie. Plano ni Hoxha at Mie Prefectural na magbigay ng isang sulyap sa kanyang internship sa pamamagitan ng social media.

(Orihinal na Japanese sa pamamagitan ng Teruko Kukita, Nabari Bureau)

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund