Staff ng Saitama Hospital, nagkamaling nai-flush ang patay na sanggol sa toilet bowl

Sanggol, nai-flush sa inidoro ng Saitama hospital.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang Saitama Red Cross Hospital sa Chuo Ward ng Saitama Prefecture nuong ika-15 ng Mayo. (Ryohei Miyawaki)

Isang janitor sa isang ospital sa Saitama ay nagkamali nai- flush  ang isang patay na sanggol sa isang toilet noong Marso, ayon sa pampublikong pangkalusugan ng lungsod at iba pang mga source.

Ang ospital ay humingi ng paumanhin sa babaeng nanganak at sa pamilya nito.

Ang insidente ay naganap habang ang 36-taong-gulang ay nasa ospital sa Saitama Red Cross Hospital mula  pa noong Marso 18. Nang sumunod na araw, hindi inaasahang ipinanganak niya ang 14-linggong-gulang na sanggol habang nakaupo sa banyo.

Matapos, lumipat siya sa isang silid, habang ang isang taga-linis ang nagtungo sa banyo at nag-flush ng inidoro.

Ang tibok ng puso ng sanggol ay nakumpirma na huminto ng apat na araw bago ang pagsilang ng patay.

Ayon sa kanyang 39-taong-gulang na asawa, na sumama sa kanya noong panahong iyon, ang babae, na pumasok sa delivery room, ay nakaramdam na kailangang umihi at humingi ng permiso mula sa kanyang doktor na pumunta ng banyo.

Sa instruction ng staff, bumalik siya sa silid ng paanakan at naghintay. Pagkatapos ay narinig ng mag-asawa ang tunog  ng inidoro na nag- flush at sigaw ng janitor.

Ang ospital ay humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng liham sa babae at ng kanyang pamilya. Inihayag din nito na ang ospital ay gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang isang katulad na pangyayari, tulad ng pagbabago ng mga manwal ng panuntunan para sa mga tagalinis,  ayon sa kwento ng kanyang asawa.

Isang opisyal mula sa Safety Management Departmentng ospital ang nagsabi sa The Asahi Shimbum noong Mayo 15 na hindi makapagkomento sa nasabing insidente.

Inisip ng mag-asawa na pangalanan ang kanilang namatay na sanggol at panatilihin ang isang larawan at handprint sa memoriam.

“Aming inalayan ng panalangin ang isang lalagyan ng abo na walang laman,” sabi ng asawang lalaki. “Ang aking asawa ay  na trauma tuwing makakarining ng flush ng inidoro. Hindi ko gusto ang isang katulad na insidenteng ito na maulit muli.”

Source: The Asahi Shimbun

Image: Ryohei Miyawaki

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund