Si Mickey Mouse ay hindi lamang ang pinaka-sikat na daga sa buong mundo, siya rin ngayon ang pinaka-mabilis, kahit ma siya ay 90 anyos na.
Nag-bibigay ingay ngayon ang isang bullet train sa Kyushu Shinkansen Line na ibinase ang tema sa pinaka-mamahal na karakter ng Walt Disney Co.
Ang special 800 Series Shinkansen na magfe-feature kay Mickey Mouse ay nag-simula sa kanyang six-month run nuong May 17, sa pagitan ng Hakata Station sa Fukuoka at Kagoshima-chuo sa Kagoshima.
Mahigit 170 pasahero ang naka-ngiti habang sumasakay sa kaunahang pagkaka-taon mula sa imbitasyon ng Kyushu Raiway Co. (JR Kyushu)
Ang proyekto ay pinlano upang markahan ang ika-90 anibersaryo ng kauna-unahang pag-labas sa pelikula ni Mickey Mouse nuong nakaraang taon.
“Nais namin na excited ang aming mga pasahero habang bumabyahe papuntang Kyushu Region.” sabi ng JR Kyushu President na si Toshihiko Aoyagi sa seremonyang isina-gawa sa Hakata Station nuong May 17.
Si Mickey Mouse ay makikita sa 6 na karwahe ng train kabilang na ang bawat upuan at exterior nito.
Ang itaas na bahagi ng mga upuan ay may seat cover na may disenyong sumbrelo na may tenga ni Mickey Mouse. Ang mga pasahero ay kumuha ng mga selfies habang ipini-pwesto ang kanilang mga ulo sa nasabing disenyo.
“Ang cute dahil maraming Mickey Mouse na disenyo sa loob ng tren.” sabi ni Harumi Ikegami (49) na bumisita kasama ang kanyang pamilya.
Ang mga pasahero ay maaaring sumakay sa Mickey Mouse Shinkansen gamit ang regular na ticket. Ang bullet train ay patuloy na aandar sa mga istasyon hanggang late November.
Upang malaman ang schedule ng Shinkansen, bisitahin ang JR Kyushu website (https://www.jrkyushu-wakuwaku.jp/calendar/)
Source: The Mainichi
Image: Jun Kaneko
Join the Conversation