Inaresto ng Aichi Prefectural police ang 75 anyos na lalaki dahil sa brutal na pang-bubogbog sa kanyang may bahay sa kanilang tirahan sa Nagoya, mula sa ulat ng Asahi Shimbun.
Si Hiroki Tatsumi, walanv trabaho, ay sinaktan umano sa mukha ang kanyag may bahay na si Mieko (64 anyos) na nag-dulot ng pagka-sira ng ilong nito, sa kanilang tirahan sa Tamafune cho area sa Nakagawa Ward.
Bandang ala-6:45 ng umaga, tumawag si Tatsumi sa emergency services at nag-sabi na “Ang asawa ko ay hindi humihinga at walang malay.” Matapos na dalhin sa pagamutan ito ay kinumpirmang wala ng buhay.
Si Tatsumi na inakusahan na nagsa-gawa ng pananakit ay umamin sa mga alegasyon laban sa kanya. Sinabi nito sa mga pulis sa Nakagawa Station na nagawa niya iyon dahil “Hindi siya nag-hain ng pagkain ”
Ini-imbestigahan ngayon ng mga pulis kung papalitan nila ang isinampang kaso laban kay Tatsumi ng Manslaughter.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation