Tokyo- inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang mag-asawang 51 anyos na lalaki at isang Chinese national na babae dahil sa pag-pasa umano nito ng pekeng dokumento sa imigrasyon para sa kanyang visa, ulat ng TBS News.
Nitong huli ng Agosto, si Takashi Noda, manager sa isang bar sa lugar at ang 23 anyos na Chinese nagional ay nag-sumite ng dokumento sa Tokyo Regional Immigration Bureau at di umano’y sinabi nila na sila ay nag-sasama sa iisang bahay.
Ayon sa mga pulis, ang nasabing dokumento ay ang request nito para sa extention para sa kanyang visa.
Si Noda, na naakusahan sa pag-labag sa Immigration Control and Refugee Recognition Act, ay umamin sa mga ipina-paratang sa kanya. “Ako ay ipinakilala sa kanya ng aking kaibigan, at sumang-ayon ako na pekein namin ang dokumento.” ani ng suspek.
Ngunit, itinatanggi naman ng Chinese national ang kaso laban sa kanya. “Nuong panahon ng aplikasyon ay nagsasama pa kami.” ani ng suspek.
Ang isyu ay lumabas nuong Disyembre, nang ang mga pulis ay naka-tanggap ng tip na mag-sasabi na ang dalawa ay hindi talaga nag-sasamang naninirahan sa isang bahay.
Ini-imbestigahan na rin ng mga pulis kung ipineke rin nito ang kanilang kasal.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation