Isang lalaki na may hawak na kutsilyo ang nabaril at napatay ng isang pulis

Lalaking may hawak na patalim sa kalsada sa Saitama City, patay matapos mabaril ng pulisya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nabaril at napatay ng isang pulis ang isang 68 anyos na lalaki na may hawak na patalim sa kalsada matapos na hindi ito sumuko sa Saitama City nito Martes,ulat ng Fuji News Network.

Bandang alas-2 ng hapon, may babaeng tumawag sa mga pulis sa Minuma Ward ukol sa naka-bulagtang lalaki sa kalsada. “Mayroong kutsilyo sa tabi nito.” dinagdag nito sa kanyang salaysay.

Nang dumating ang 2 pulis sa nasabing lugar, ang lalaki ay biglang tumayo na bitbit ang patalim sa kanyang kamay. Nagpa-putok muna ng warning shot matapos silang sugurin ng suspek.

Binaril at napatay ng pulis ang isang 68 anyos na matandang lalaki na may hawak na patalin sa isang kalsada sa lungsod ng Saitama nuong Martes. (Twitter)

Nabaril ng 2 pulis ang matanda, at ang isang bala ay tumama sa tiyan ng matanda. Inaresto ang lalako dahil sa kasong pang-gugulo sa trabaho ng mga alagad ng batas, ito ay agad naman dinala sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay kalaunan.

“Naka-lulungkot na namatay ang suspek.” sinabi ng representative ng pulis. “Ngunit ikinukunsidera namin na ang pag-gamit ng baril ay ang tamang paraan nuong oras na iyon, upang maisagawa namin ang aming katungkulan.”

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund