Higit sa 200 tao na na-istranded sa Yakushima Island ang nailigtas pagkatapos ng malakas na pag-ulan

200 na hikers na istranded Yakushima Island, nailigtas na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mahigit 200 katao ang tinulungan makababa ng mga rescuers sa bundok ng Yakushima Island nuong ika-19 ng Mayo 2019 matapos ma-stranded sa bundok nang dahil sa lakas ng ulan. (Kyodo)

KAGOSHIMA (Kyodo) – Mahigit sa 200 katao ang bumaba sa isang bundok sa Yakushima Island sa timog-kanluran ng Japan noong Linggo sa tulong ng mga rescuer matapos silang ma-istranded pagkaraan ng malakas na pag-ulan noong nakaraang araw.

Nagkaroon ng malakas na pag-ulan ng 120 millimeters bawat oras sa isla noong Sabado ng hapon. Isang mala higanteng Cedar tree ang binaha at naging hadlang ng dahil sa landslidesn sa daan sa patungo sa pangunahing atraksyon.

Ang mga hikers sa higit sa 10 mga kotse at bus ay napilitang magpalipas ng gabi sa mga sasakyan at isang cabin sa bundok. Ang ilan ay gumugol ng gabi sa labas.

Dahil sa kondisyon ng panahon, ang operasyon sa pagsagip ay nagsimula lamang ng Linggo.

Ang ilan sa mga hiker ay nagreklamo ng mga pagdurusa o hindi maganda ang pakiramdaman at ang ilan ay dinala sa ospital. Wala namang sa kanila ang nasa malubhang kalagayan, ayon sa mga lokal na opisyal.

Ang isla, na kilala sa  Jomon cedar tree at ang 1,936-metro Mt. Miyanoura, ay itinalaga bilang isang world natural heritage site ng U.N. Educational, Scientific and Cultural Organization.

Source: The Mainichi

Image: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund