Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police nuong Miyerkules ang 48 anyos na may sakit sa pag-iisip matapos makitang naka-handusay ang kanyang kapatid sa loob ng kanilang tahanan sa Katsushika Ward,mula sa ulat ng Nippon News Network.
Bandang alas-8:30 ng umaga, isang staff ng Horikiri Shobuen ang tumawag sa pulis station upang ireport ang natagpuang “babae na naliligo sa dugo” sa isang platform. Nang dumating ang mga awtoridad, nag-sabi ito na “sinaksak ko ang kapatid ko.
Ang mga pulis ay binisita ang kanilang tahanan at duon ay natagpuan ang kapatid ng ginang, na nag-eedad na bandang 40 anyos,na naka-handusay sa loob. Ayon sa mga pulis, ang biktima ay mayroong tama ng saksak sa balikat sa bandang dibdib. Kalaunan ito ay kinumpirmang wala ng buhay.
Habang tinatanong ng mga awtoridad, ang ginang na mayroong tala ng kasaysayan na mayroong kapansanan sa pag-iisip ay nag-bigay ng kakaibang mga sagot sa mga katanungan sa kanya.
Sa kalaunan ang ginang ay naka-suhan ng murder, sa ngayon ay ini-imbestigahan ng mga pulis kung maaari ba siyang managot sa kanyang pagkaka-sala sa nasabing krimen
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation