Ang mga babae at ang batas: issue tungkol sa Maternity Harassment

Ang pakikipag-laban ng mga kababaihang nakararanas ng Maternity Harassment sa kanilang mga trabahuhan sa bansang Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mata-Hara o Maternity Harassment sa Japan

Sa Japan, sinasabi ng gobyerno na nais nila ang isang lipunan kung saan ang mga kababaihan ay maaaring “mag-ningning” sa loob ng kanilang trabahuhan, habang sinasabi na dapat mag-anak sila ng marami nang maibsan ang kasalukuyang kakulangan ng papulasyon ng bata sa bansa. Pinaninindigan nito (at sinisikap na hikayatin ang buong mundo)na mayroon itong sapat na legal regimen na panindigan ng sabay ang parehong layunin.

Sa katunayan, may mga batas na nag-bibigay ng (1) Time off for pre-natal care (2) Maternity leave at (3) Child Care leave (para sa alinmang magulang), pati na rin ang mga partikular na batas (4) na nag-babawal sa maling pag-trato sa mga babaeng nag-dadalang tao.

Gayunpaman, ang sitwasyon ng mga nag-tatrabahong ina (at magiging ina) ay nananatiling mahirap at medyo delikado sa ibang kaso. Naka-lulungkot malaman na ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaso kung saan ang kinakailangan ng suporta at pang-uunawa sa mga nag-dadalang taong kababaihan mula sa kanilang mga pinag-tatrabahuhan. Ipinapa-kita lamang dito na ang Japan ay walabng ibinibigay na suporta at pag-uunawa sa kanilang mga babaeng trabahante.

Kakulangan sa suporta o pagkakataong i-sabotage


&nbspAng mga babae at ang batas: issue tungkol sa Maternity Harassment

&nbspAng mga babae at ang batas: issue tungkol sa Maternity HarassmentSi Mother A, ay isang clerical worker na malapit nang matapos ang ikalawang taon ng kanyang 1 year contract, na nag-babadyang magkaroon ng miscarriage sa kanyang 11 weeks na ipinag-bubuntis. Pinayuhan siya ng kanyang doktor na tumigil sa trabaho at mag-pahinga sa loob ng 2 linggo. Binisita siya sa bahay ng kanyang bisor sa trabaho, ngunit imbis na magpakita ng pag-alala sa kanyang kalagayan sinabihan siya nito na kapag hindi bumalik sa trabaho ay maaaring hindi na i-renew ng kumpanya ang kanyang kontrata. Walang kibot na siya ay bumalik sa kanyang trabaho at sa kasamaang palad siya ay nakunan. Nag-bigay rin ng suhestiyon ang kanyang bisor na dapat mag-concentrate muna siya sa kanyang trabaho ng ilang taon bago muling mag-simula bumuo ng pamilya.

Si Mother B, ay isang guro sa isang Language school, siya ay hindi nakakuha ng slot ng kanyang anak para sa Day Care Center matapos ang kanyang Maternity at Child Care leave. Nag-tanong siya na kung maaari ba na mag-trabaho muna siya bilang part-time pansamantala. Upang ito ay mangyari, sinabi ng paaralan na kailangan na pumayag siya na palitan pansamantala ang status ng kanyang kontrata mula regular employee sa contract employee. Pumayag naman ang ginang rito. At nang matapos ang kanyang 1 taong kontrata, sinabi ng eskwelahan na wala nang i-ooffer na kontrata sa ginang.

Si Mother C naman ay, isang physical therapist na ang trabaho ay pumunta sa mga bahay ng pasyente na wala nang pisikal na kakayahan. Ang ginang ay nasa late stages na ng kanyang ag-bubuntis kung kaya’t siya ay naki-usap sa kanyang trabahuhan na ilipat muna siya pansamantala sa magaan na tungkulin, isang bagay na siya ay may legal na karapatan ayon sa Labor Standards Act article 65 (3). Ang kanyang employer ay pumayag at itinalaga ang ginang sa mga magaang trabaho sa loob lamang ng ospital. Ngunit kaakibat nito ay sinabi ng kanyang employer na siya ay made-demote mula sa kanyang kasalukuyang manager-level na posisyon. Nang ang ginang ay bumalik mula sa kanyang Maternity at Child care leave, natuklasan niya na wala nang intensyon ang ospital na ibalik siya sa kanyang dating posisyon, kahit na ang napagka-sunduan dati ay pansamantala lamang ang pag-palit ng kanyang status dahil sa kanyang pagdadalang- tao.

Itong mga kasong ito at iba pang diskriminasyon laban sa mga kababaihang nagda-dalang tao ay may tawag sa bansang Japan: Maternity Harassment (mata-hara).

 


&nbspAng mga babae at ang batas: issue tungkol sa Maternity Harassment

&nbspAng mga babae at ang batas: issue tungkol sa Maternity HarassmentSource: Japan Today

Image: yhlee.org

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund