Ang ika-11 ng Marso ay nagmamarka ng ika-walong anibersaryo ng lindol na nangyari sa hilagang-silangan ng Japan at ang kasunod na aksidente sa nuclear plant ng Fukushima Daiichi.
Ang magnitude-9.0 na lindol ay naganap sa baybayin ng northeastern na rehiyon ng Tohoku sa paligid ng 2:46 ng hapon noong Marso 11, 2011. Ang tsunami na pagkatapos ng lindol na may taas na lumagpas sa sampung metro ang nabuo sa baybayin ng mga rehiyon ng Tohoku at Kanto.
Ayon sa National Police Agency ng Japan na as of Marso 8 ng taong ito, 15,897 katao ang nakumpirma na patay, at may 2,533 katao pa din ang nawawala. Tinatantiyang hindi bababa sa 22,131 katao ang namatay mula sa 2011 na kalamidad, kabilang ang mga nag deteriorate ang kalusugan at namatay dahil sa lindol.
Maraming mga problema pa din ang natitirang hindi nalutas sa mga apektadong lugar, kabilang ang pagdecline ng populasyon ng rehiyon at mga matatanda na namumuhay na mag-isa.
Ang pitong munisipalidad sa Fukushima Prefecture ay mayroon pa ding mga no-entry zone. Ang isang survey sa muling pagtatayo ng Agency sa Pebrero ay nagpapakita ng 51,778 katao mula sa mga apektadong lugar na nananatili pa rin na sa ibang lugar nakatira bilang mga evacuees. Ang bilang ng mga evacuees ay unti-unting bumababa. Ngunit ang evacuation period ay sobra ng nagtatagal.
Tatlong reactor sa planta ng Fukushima Daiichi ang nakaranas ng pagkasira na itinuturing na isa sa pinakamalala at malaking aksidente na nuklear sa mundo.
Noong nakaraang buwan, isang robotic probe ang ipinadala sa loob ng isa sa mga reactor na ginawa para direktang makita ang debris, na kung saan ay pinaniniwalaan na isang pinaghalong mga nalusaw na nuclear fuel at estruktural na mga debris.
Ang gobyerno at Tokyo Electric Power Company na nagpapatakbo ng planta ay nagsasabi na batay sa mga resulta ng paglitis, inaasahan nilang masimulan ang pag-alis ng mga debris mula sa mga reactor sa 2021 matapos isaalang-alang ang mga paraan upang maisakatuparan ang proseso sa katapusan ng Marso, 2020.
Source: NHK W
Join the Conversation