Nag-sisimula nang maipon ang mga niyebe sa timog na bahagi ng Kanto region kabilang ang Tokyo.
Ayon sa weather officials, mula pa nuong Lunes ng hapon ay mayroong cold air trough kung-kaya’t nag-simulang umulan ng niyebe.
Bandang alas-9 ng umaga, umabot na ng 5cm ang lalim ng natipong niyebe sa kalsada sa lungsod ng Chiba at 2cm naman sa Tsukaba sa prepektura ng Ibaraki.
Tinatantiyang bago matapos ang araw ay maaaring umabot pa ng 1cm ang lalim ng niyebe sa Central Tokyo, 7cm naman sa Kanto Region at 5cm naman ang maaaring itaas ng niyebe sa mga bulubunduking lugar.
Pinapayuhan ng mga weather official ang mga mamamayan na mag-ingat sa madudulas na kalsada at sa trapiko.
Sinabi rin ng opisyal na maging maingat ang mga tao sa mga niyebeng natumpok sa mga power lines at mga sanga ng puno.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation