Ang Plum Blossom ay namumukadkad ngayon sa Atami Plum Garden na isang hot sprring resort sa isang lungsod sa southwest ng Tokyo. Masayang kumukuha ng mga litrato ng pink at white na tanawin ang mga bisitang nag-pupunta rito.
Ang hardin ay may laki na 40, 000 square meter mahigit 472 puno ang naka-tanim rito na mayroong 59 iba’t-ibang uri ng plum. Ayon sa City Tourism Association, itong mga winter flower na ito ay namumukadkad sa ngayon sa tamang panahon. Dahil nuong nakaraang taon, ito ay huli nang namulaklak sanhi ng sobrang lamig ng panahon.
Ang mga late blooming na bulaklak ay nag-sisimula na ring mamukadkad at ito ay mae-enjoy ng lahat hanggang katapusan ng Pebrero. Iba’t-ibang pagdiriwang ang nagaganap ngayon sa nasabing hardin upang ma-enjoy ng lahat ang nag-gagandahang bulaklak. Ito ay mag-tatagal hanggang ika-3 ng Marso.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation