5 taong pagkaka-bilanggo ang pinataw na parusa sa isang ina na namatayan ng anak dahil sa heatstroke.

5 taon pagkaka-bilanggo ang ipinataw sa inang iniwanan ang anak ng 10 oras sa loob ng sasakyan at namatay dahil sa heatstroke.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Reina Suzuki

Ipinasa ng Osaka High Court ang 5 taong sintensya sa ina ng 1 taong gulang na batang namatay dahil sa heatstroke at inilagay ang bangkay sa loob ng isang ice cool box, mula sa ulat ng Kyodo News.

Nuong taong 2016, si Reina Suzuki, 27 anyos ay iniwan ang kanyang 1 taong gulang na anak sa loob ng sasakyan sa loob ng 10 oras upang sumama sa kanyang 24 anyos na boyfriend sa loob ng isang hotel. Ang bata ay binawian ng buhay sanhi ng heatstroke. Ang bangkay ng bata ay inilagay sa loob ng isang ice cooler box upang itago ang pagka-matay nito.

Si Suzuki ay kinasuhan ng abandonment of corpse at fatal abandonment by guardian.

“Hindi ko na-isip na delikado pala ang heatstroke.” ani ni Suzuki nuong kanyang unang pag-lilitis. Ngunit, inilarawan ng korte ang aksyon ng suspek bilang “dangerously malignant” nuong ipinataw ang 5 taong sintensya.

Sinang-ayunan ng depensa ang desisyon. Gayunpaman, sinabi ng Osaka High Court ng ipinataw ang desisyon nuong ika-22 ng Enero na “Kahit napag-sisihan mo na ang mga nangyari, ito ay maaari mo pa rin gawing muli.”

Inalam ng Child Consultation Center ang kalagayan ng bata.

Natagpuan ng mga pulis ang katawan ng biktima sa loob ng isang ice cool box sa loob ng sasakyan nuong Nobyembre taong 2016. Ito ay matapos hanapin at alamin ng mga Child Welfare Center ang kalagayan ng bata.

Nuong panahong iyon, ang resultang lumabas mula sa awtopsiya na ginawa sa labi ng biktima ay ito ay namatay dahil sa malnutrisyon, ayun sa pahayag ng mga awtoridad.

“Akala ko iisipin ng mga pulis na minamaltrato namin ang bata at hulihin kami kaya ko siya itinago sa loob ng ice cool box at nilagyan ng maraming yelo.” pahayag ni Suzuki nuong siya ay inaresto.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund