Ina-resto ng Aichi Prefectural Police ang 48 anyos na pribadong doktor dahil sa akusasyon ng isang pasyenteng babae na ginawan umano ng kahalayan ng nasabing doktor. Ito ay nangyari sa Lungsod ng Gamagori nuong nakaraang taon, ayon sa paunang-ulat ng Asahi Shimbun.
Bandang alas-9:50 ng gabi nuong ika-10 ng Oktubre, tinurukan umano ng suspek na si Norihiko Okamoto ang 29 anyos na biktima ng ineksyong nag-lalaman ng anesthesia sa loob ng sasakyan na naka-park at saka ginawa ang kahalayan.
Si Okamoto ay kinasuhan ng Quasi-Indecent Assult dahil hindi naipag-tanggol ng biktima ang kanyang sarili dahil sa kawalan ng lakas dahil sa gamot na itinurok sa kanya. Itinanggi naman ng suspek ang paratang sa kanya, ani ng mga pulis sa Gamagori Police Station.
Ang usapin ay lumabas matapos mag-sampa ng reklamo ang biktima makaraan ang isang araw matapos mangyari ang insidente.
Pangalawang beses nang huhulihin ng pulis ang suspek na si Okamoto. Dahil nuong nakaraang taon, ang suspek ay maka-ilang beses umanong tawag sa biktima. At nuong Nobyembre, tinakot umano ng doktor ang 33 taong gulang na asawa ng biktima, mula sa ulat ng Sankei Sports.
Sinabi ng mga pulis, itinanggi umano ni Okamoto ang mga alegasyon sa kanya nuong siya ay inaresto, sinabi rin ano ng suspek na totoong siya ay tumawag ngunit walang pananakot na nangyari. Subalit nuong ika-11 ng Enero, opening trial nito sa Toyohashi Branch ng Nagoya District Court lahat ng paratang ay inamin ng suspek.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation