Ang Japanese pop group na Arashi, ay isususpinde ang mga aktibidad nito sa katapusan ng 2020. Ang balita ay nakakagulat para sa mga tagahanga nila sa Japan at sa ibang lugar sa Asia.
Gumawa ang grupo ng video message sa kanilang opisyal na website ng fan club noong Linggo. Ang leader ng Arashi na si Satoshi Ohno, ay nagsabi na pinag-usapan nila ang kanyang proposal sa kanilang paghihiwalay sa pagtatapos ng susunod na taon. Sinabi niya sa iba pa niyang mga ka-miyembro na gusto na niyang magkaroon ng kalayaan upang ipagpatuloy ang kanyang sariling career.
Ang grupo ay nagkaroon ng isang news conference noong Linggo ng gabi upang ipaliwanag ang desisyon.
Aktibo rin ang mga miyembro sa malawak na hanay ng media, kabilang ang iba’t ibang mga palabas, mga programa sa balita, pelikula, at mga drama sa TV.
Ipinahayag ng mga Chinese fans ng Arashi sa microblogging platform na Weibo kanilang pagkalito nila fahil kakasimula lang ng dalawang-taong countdown. Hinimok ng isa pang post ang grupo na mag-reunite muli sa ibang pagkakataon.
Sa Taiwan, kung saan nag concert ang Arashi, iniulat ng mga lokal na media outlet ang pahayag bilang breaking news. Ang online na edisyon ng United Daily News ay nagpahayag din sa kanilang headline, “Ang mga tagahanga nila ay umiiyak.” Sinasabi nito na ang mga tao ay na sorpresa at hindi makapaniwala sa anunsyo.
Source: NHK World
Join the Conversation