Sanhi ng pag-labo ng mata ng mga mag-aaral, isini-sisi sa mga smartphone at mobile games.

Ayon sa mga eksperto, sobrang pag-gamit ng smartphone nakaka-sira ng paningin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Pag-labo ng mata ng bata may koneksyon sa mga smartphones at mobile games.

Ang bansang Japan any may toneladang de-kalidad na mga mobile games na talaga naman kina-aaliwan ng mga manlalaro sa buong mag-damag. Ngunit ang sobrang pag-gamit nito ay maaaring maka-sira ng paningin.

Ang datos mula sa visial acuity na natipon mula sa pisikal na eksaminasyon na isinagawa sa mga mag-aaral sa paaralang elementarya, Junior High School at Senior High School ay nag-bigay liwanag sa nakaka-gulat na trend o uso sa mga kabataang hapones nagyon. Inilahad ng Ministro ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Agham at Teknolohiya na pinaka-mataas na tala ang 25.3 porsyento na bilang mula sa 3.4 milyon na mag-aaral ang bumagsak dahil ang mga ito ay nabigong mapasa ang 1.0 mark sa vision test.

Ayon sa Ministro, halos 34.1 porsyento ng mag-aaral aa elementarya at 67.09 porsyento naman ng mag-aaral sa High School ay walang 1.0 vision. Ito na ang bilang na itinala na pinaka-mataas sa buong kasaysayan. Ngayong taon ay hindi nasira ang record ng Junior High School, ngunit sila ay nalalapit pa rin sa tala na 56.04 porsyento. (Hindi katulad nuong nakaraang taon na umabot sa 56.33 porsyento.)

Babala ng Ministro, “Ayon sa mga eksperto, ito ay maaaring may koneksyon sa matagal na pag-tingin sa smartphone at pag-lalaro ng mobile games.”

Samu’t-saring reaksyon ang natanggap mula sa mga Japanese Netizens. Marami ang nag-dududa kung malaki nga ba ang epekto ng smartphone sa paningin ng isang bata.

“Base sa narinig ko, mapapagod lamang daw ang mata at hindi maaapektuhan ang iyong paningin, alin ba ang tama?”

“Marami rin namang kabataan ang hindi nag-lalaro ng games pero nakararanas ng pag-labo ng paningin dahil sa pag-aaral ng mabuti.”

“Nararamdaman ko rin na lumalabo ang aking paningin nuong nag-simula akong mag-aral para sa aming pag-susulit, ang resulta ay nagpa-gawa ako ng salamin sa mata.”

“Dahil yan sa sobrang pag-aaral.”

Marami nang pag-babago ang na-gawa ng smartphones para sa ikabubuti ng ating pamumuhay, ngunit dapat din isa-alang alang na ang sobrang pag-gamit nito ay nakaka-sama rin sa ating mata. Kung gusto ninyong makumpirma ang inyong hinala sa pag-labo ng inyong mata, mayroong misteryong optical illusion na kumakalat sa internet na gumagana lamang sa mga malabo ang paningin.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund