Pilipino sa Ibaraki, arestado sa pagnanakaw at frustrated murder

Inaresto ng pulisya sa kanluran ng Ibaraki Prefecture si Peron Jimuel Ito (31) walang trabaho at isang Pilipino sa hinalang pagnanakaw at frustrated murder. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: News24.jp

Inaresto ng pulisya sa kanluran ng Ibaraki Prefecture si Peron Jimuel Ito (31) walang trabaho at isang Pilipino sa hinalang pagnanakaw at frustrated murder.

Ang biktima ay isang babaeng Japanese na nagtamo ng saksak sa kanyang bahay at natangayan ng malaking halaga na pera.

Nangyari ang pag-aresto sa hinihinalang suspect bandang 2:50 ng hapon noong Pebrero 23, sa isang residential na lugar sa Chikusei-shi, pinasok ng suspect ang bahay ng biktima na isang 43 taong gulang at nagdemanda na bigyang ito ng pera at binantaan ang babae gamit ang isang kutsilyo.

Natangay ng suspect ang halagang 97,000 yen at sinaksak ang biktima sa mukha at leeg at tumakas matapos ang krimen. Ang biktima ay kasalukuyang nagpapagaling sa hospital at walang panganib sa kanyang buhay.

Natukoy ang suspect dahil pamilyar sa biktima ang lalaki dahil palagi itong nakikita sa lugar. Nahuli ng pulisya ang suspect sa kanyang tirahan at nakitaan ng kutsilyo na may dugo sa kanyang bahay.

Ayon sa Chikusei Department, inamin naman ng suspect na siya ang gumawa ng krimen.

Source: News24.jp

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund