Mukha nang Bagong Taon sa kalsada ng Nakamise Shopping Street papasok sa Sensoji Temple sa makasaysayang distrito ng Asakusa sa Tokyo.
Ang kalsada sa popular na templo ay nilagyan ng maraming palamuti at mga nagsisi-lakihang tradisyonal na laruan at charms. Katulad ng isang wooden tablet na may larawan ng isang Baboy-Ramo, malaking trumpo at Hagoita o wooden paddles.
Ang Boar-themed 「Ema」 Charm, na susukat ng 2.4 metro kahaba at 1.5 metro ka-taas ay isinabit sa bilang palamuti sa kalsada bago sumapit ang Bagong Taon. Ayon sa Chinese Zodiac, ang Baboy Ramo ang lucky animal na simbolo sa taong 2019.
Tinatantyang daragsa ang mga bisita mula sa iba’t-ibang lugar upang bisitahin ang naturang popular na lugar sa darating na New Year holidays.
Source and Image: The Asahi Shimbun
Join the Conversation